GMA News Online
NewsTV
»
Pop Talk

Pop Talk

Mga side trips sa Pahiyas Festival, papasyalan ng 'Pop Talk'

May 6, 2013 5:24pm


POP TALK
'PAHIYAS PASYLAN'
Airing: May 5, 2013

 
Sa darating na May 15 na idaraos ang pinakahihintay na ‘Pahiyas Festival’, isa sa pinakamakulay na pista sa Pilipinas. At sa mga nagbabalak diyang mamiyesta at makisaya, pumili ang Pop Talk ng mga pasyalan na puwedeng gawing sidetrip o ‘side gimik’ bago ang main event na ‘Pahiyas’ sa Lucban, Quezon.  Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?



Tatlong ’Pahiyas Pasyalan’ ang ating rerebyuhin: ang Villa Escudero sa Tiaong, Quezon; ang Graceland Estates and Country Club sa Tayabas, Quezon; at ang Batis Aramin Resort and Hotel sa Tiaong, Quezon.



Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang ating guest reviewers: ang ating expert na travel, food, at lifestyle blogger ng mixofeverything na si Myke Soon;  ang mommy at army officer ng PNP/AFP na si Jean Alea Robles; at ang celebrity reviewer na Kapuso actress na si Gwen Zamora. Huhusgahan nila ang tatlong pasyalan base sa criteria na ’fun factor’, ‘facilities and security,’ at ‘value for money.’


 
Alamin ngayong Martes sa ‘Pop Talk: Pahiyas Pasyalans,’ May 7, 10PM sa GMA NewsTV!



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus