ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang nag-iisang sex therapist ng TV, si Dr. Margie Holmes, tampok sa Powerhouse


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Martes sa Powerhouse, isang no-holds barred interview ang matutunghayan kasama ang nag-iisang sex therapist ng telebisyon, si Dr. Margie Holmes.

Dahil likas na konserbatibo ang mga Pilipino, marami ang na-eskandalo nang unang lumabas si Margie sa media upang magbigay ng payo sa mga problemang may kinalaman sa sex at relasyon. Pero dahil sa kaniyang nakakatuwang personalidad at matatapang na sagot, agad dumami ang kaniyang mga tagahanga. 

Sa tahanan ni Margie, makikita ang hilig niya sa pagbabasa sa dami ng librong kinikolekta niya. Mayroon din siyang maliit na koleksiyon ng mga painting at sculpture na obra ng ilang sikat na artists sa bansa. Pero ang pinakamalapit daw sa puso niya ay ang mga larawan niya at ng kaniyang pamilya. Sa pag-uusap nila ni Mel, buong tapang na sasagutin ni Margie ang mga tanong tungkol sa sex at iba't ibang psychological conditions. Walang kurap din niyang ibibigay ang opinyon niya tungkol sa naging relasyon ni Dr. Vicky Belo at Haiden Kho; at maging nina Kris Aquino at James Yap.  

Huwag palampasin ang Powerhouse sa Martes, 8PM sa GMA NewsTV.