ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mana-mana, isang dokyumentaryo tungkol sa political clans, sa ID


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Airing date: May 9, 2013, Huwebes, 8:00 PM




May walumpung probinsiya ang Pilipinas. Lahat nito, may political dynasties. 
 
Ito pa rin kaya ang magiging resulta ng darating na halalan?
 
Sa datos ng GMA News Research, aabot sa mahigit 400 ang political families sa bansa. May angkan na deka-dekada na sa puwesto. Mayroon ding higit na sa isang siglo.
 
Sa Senado, 19 sa 23 senador ang mula sa political clan. Sisenta'y tres porsiento o 180 sa 284 na miyembro ng Kongreso naman ang mula rin sa pamilyang matagal na sa politika. Sa ating gobernador, 68 sa 80 ang miyembro rin ng political families.
 
Mana-mana at sila-sila na lang ba talaga? Sa eleksyong darating, aling political clan ang hihina, alin ang lalawak, at ilan ang tatagal pa? Ano ang sikreto ng mga angkang ito at bakit hindi sila matinag sa pwesto? Ano ang meron sa politika at ito na ang itinuring na adbokasya ng kanilang pamilya?  
 
Abangan sa Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.