ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Apat na Pinoy UN peacekeepers, dinukot ng Syrian rebels


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinumpirma ni Philippine Ambasador to Israel Generoso Calonge ang pagdukot sa apat na Pilipinong miyembro ng United Nations Peacekeeping Forces sa Syria noong Martes. Sa ulat ni Carlo Mateo ng dzBB, binihag umano ang apat ng isang grupo ng Syrian rebels na tinatawag na "Yarmouk Martyrs Brigade." Ayon sa ulat, patuloy ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga bihag. Nagpapatrolya umano ang mga peacekeeper sa Al Jamiya malapit sa hangganan ng Syria at Golan Heights na kontrolado ng Israel, nang sila’y bihagin ng mga armadong lalaki. Ang grupong Yarmouk Martyrs Brigade rin umano ang dumukot noong Marso (sa parehong lugar) sa 21 na Filipino UN peacekeepers. Pinalaya rin ang mga ito matapos ang tatlong araw. Ngunit sa pakikipag-usap ni Abu Iyas al-Hourani, isa sa miyembro ng grupo sa Reuters sa pamamagitan ng skype, sinabi niyang hindi umano maihahambing ang nagyari ngayon sa insidente noong Marso. Hindi na niya pinalawig ang kanayang sinabi. Samantala, nanawagan na man si UN Sec. Gen. Ban Ki-moon sa mga dumukot na ilayo sa kapahamakan ang mga bihag. — RC /LBG, GMA News