ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Julie Anne San Jose, puspusan na ang pag-ensayo para sa first major concert
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinakabahan ngunit masaya naman ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose dahil sold out na ang tickets para sa kanyang kauna-unahang major concert na "It's My Time" na idaraos sa Music Museum ngayong Sabado.
Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24Oras noong Martes, puspusan na ang pag-eensayo ng dalaga mula sa band rehearsals, dance rehearsal, at fitting upang maging matagumpay ang nasabing event.
"Everytime kunwari na nagre-rehearse ako, band rehearsals, dance rehearsal, fitting na, tapos parang, hindi naman sa nakaka-pressure pero medyo nandoon na rin 'yon at kinakabahan pero siyempre excited ka rin," pag-amin ni Julie Anne.
Samantala, isa raw sa magiging guest ng dalaga ay ang rapper na si Abra.
Natuwa raw kasi ang rapper sa kanilang on the spot performance sa Sunday concert show na "Party Pilipinas."
"Nag-enjoy ako nong performance namin sa Party Pilipinas, parang on the spot yon. What more pa kaya kapag rehearsed na? So, ako excited ako sa performance na 'yon," ani Abra.
Dagdag pa nito, "So, siyempre natutuwa ako para sa kanya dahil siyempre concert nga niya. At ako, gusto ko lang sumuporta sa mga talentadong Pilipino."
Bukod kay Abra, special guest din ni Julie Anne sina Francheska Farr at ang ka-love team nitong si Elmo Magalona. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: julieannesanjose,
More Videos
Most Popular