ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pila ng LPG tanker sa Mariveles, Bataan, patuloy na humahaba


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nananatiling mahaba ang pila ng mga tanker truck na naghihintay na makargahan ng Liquefied Petroleum Gas sa Bataan LPG Terminal ng Liquigaz sa barangay Alas-Asin, Mariveles, Bataan nitong Miyerkules.    Ang mga drayber, walang magawa kundi magkwentuhan o kaya naman ay mahiga sa kanilang mga duyan habang naghihintay.   Ilan sa mga drayber ng trak ang nagsabi na pumili sila na makargahan ng LPG mula pa noong nakaraang linggo.   “May ilan-ilang nasisingit pero mas inuuna nilang kargahan ang sariling trak ng kumpanya,” sabi ng isang drayber mula sa Bulacan. “Basta kami waiting daw,” sabi naman ng isa pang drayber mula sa Cabanatuan City. Ayon kay Reny Antimo, dumating siya sa Alas-Asin mula sa Malabon City noong Linggo. Halos nasa dulo bahagi ng pila ang kanyang tanker. “Walang sinasabi kung bakit hindi makargahan ang mga tanker pero ako naghihintay lang ng pasabi kung maaari nang pumasok,” ani Antimo. Nabigo naman ang local media na may makausap na opisyal ng Liquigaz para malaman ang dahilan kung bakit hindi kaagad makargahan ang mga trak. - Ernie Esconde/FRJ, GMA News

Tags: lpg, tankertruck, , bataan