OCD: Nawawalang Thai mountaineer sa Mayon, natagpuang ligtas
Natagpuan at nailigtas na ang nawawalang Thai mountaineer na kasama sa mga nabiktima sa biglaang pagsabog ng Bulkang Mayon noong Martes. Sa pagkaligtas ng Thai na si Boonchai Jattupornpong, 35, kompleto na umano ang listahan sa mga umakyat ng Mayon nang mangyari ang insidente. Ayon sa Office of Civil Defense Region 5 (OCD 5), lima ang namatay at 15 ang nasaktan dahil sa pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon. Sa ulat ng "Unang Hirit" maaga nitong Huwebes, sinabing naibaba na ang mga labi ng isa sa limang nasawi na si Filipino tour guide Jerome Berin. Pero pahirapan umano ang pagbaba ng mga labi mula sa bulkan dahil sa masungit na panahon. Sa halip na gamitan ng helicopter, naglakad na laman umano pababa ang mga rescuer bitbit ang mga labi. Nasa 21 climber ang naitala ng OCD at 10 ang nauna nang na-rescue. Ang limang namatay, tatlo Germans, isang Germany-based Spanish national at ang Filipinong si Berin. Ayon sa NDRRMC, walo sa mga nasugatan ay dinala sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital. Ang mga ito ay sina: