ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

35 OFWs sa Jeddah, makauuwi na — DFA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Makauuwi na ang 35 “over staying Filipinos" sa Jeddah, Saudi Arabia, matapos mabigyan ng exit visa. Sinabi rin ng Department of Foreign Affairs na inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal I Biyernes, dakong alas-11 ng gabi. Samantala, sinabi ng DFA na tuluy-tuloy ang kanilang ayuda sa iba pang mga Pilipino upang makauwi na rin sa Pilipinas. Mahigit 1,000 undocumented OFWs ang kasalukuyang nagkakampo malapit sa consular office ng Pilipinas sa Jeddah upang makatakas sa crackdown naipinatutupad ng Saudi Arabia laban sa "over-staying" foreing workers. Binigyan ng palugit na tatlong buwan ng Saudi government ang illegal workers upang maisaayos ang kanilang "exit papers."  Magtatapos ang deadline sa July 4. — RC /LBG, GMA News