ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

10 Pinoy sa Italya, arestado dahil sa labis na tubo sa pautang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaresto ng mga awtoridad ang may 10 pinoy sa Roma, Italya, dahil umano sa pagpapautang ng may malaking tubo. Ayon sa ulat ng dzBB, isa-isa umanong inaresto ang mga suspek simula nitong Mayo. Aabot umano sa 80 porsyento ang ipinatong na tubo ng mga suspek sa kanilang mga pautang, dagdag pa ng ulat. Labag sa batas ng Italya ang labis na tubo sa pautang. Ngunit, hirap umanong magsampa ng kaso ang mga pulis dahil natatakot magsalita ang may 100 biktima na pawang mga Pilipino rin. — RC /LBG, GMA News

Tags: ofws, ofwsitaly,