ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

SC, ipinagpaliban ang paglabas ng protection order kaugnay ng insidente sa Tubbataha


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang paglabas ng temporary environmental protection order (TEPO) kaugnay ng pagsadsad ng US Navy minesweeper sa Tubbataha Reef noong Enero.  
"The SC resolved to hold in abeyance the issuance of a TEPO," ani ng court source, na humiling na huwag pangalanan, nitong Huwebes.
 
Noong Abril, naghain ang ilang grupo ng petisyong humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng writ of kalikasan at ng TEPO upang pigilan ang lahat ng mga aktibidad kaugnay sa pagsadsad ng USS Guardian. Ayon sa mga nagpetisyon, nagdudulot ng "trauma" ang mga aktibidad na ito sa sikat na buhara.
 
Gayunpaman, ayon sa source, "the petition was not yet given due course."
 
Inutusan na ng Korte Suprema ang respondents sa petisyon, maliban kay Pangulong Benigno Aquino III, na magbigay ng komento sa loob ng 10 araw.
 
Ayon sa mga naunang ulat ng ilang media outfits, naghain na umano ang Korte Suprema ng writ of kalikasan at inatasan na ang Court of Appeals na dinigin ang petisyon. Itinanggi ito ng SC Public Information Office.
 
Kasalukuyang nasa isang-buwan pang "decision writing break" ang Korte Suprema at nakatakda lamang manumbalik ang en banc sessions nito ngayong Hunyo.
 
Sumadsad ang USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 17 at naialis lamang ito tatlong buwan na matapos.
 
Kabilang sa mga petitioner ang mga grupong Kalikasan, Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna party-list, Pamalakaya, Kabataan party-list, Junk Visiting Forces Agreement Movement, Agham, Kilusang Mayo Uno, at Gabriela.
 
Ang respondents naman sa petisyon ay sina US Navy officials Scott Swift, commander ng US 7th Fleet, at Mark Rice, commanding officer ng USS Guardian, at ilang opisyal ng gobyerno ng Pilipinas, kabilang na si Aquino. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News