GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Alamin ang mga hilig ni Roadfill ng 'Moymoy Palaboy'

May 9, 2013 8:36pm
Unang nakilala sa video sharing site na Youtube dahil sa paggawa ng spoof na mga kanta, ngayon ay todo na sa pagpapatawa ni Roadfill ng Moymoy Palabay sa Friday gag show na Bubble Gang at iba pang Kapuso programs.
 
Ayon sa ulat ni Pia Guanio sa Balitanghali nitong Huwebes, hindi lamang pagpapatawa ang pinagkakaabalahan ni Roadfill, dahil mahilig din itong mangolekta ng action figures.
 
"Kapag may nakikita lang akong toys na may memories, 'wow! Ito yung time na bata ako, walang problema,' so, bibilhin ko siya," kwento ni Roadfill.
 
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang magsimula siyang mangolekta ng action figures, at isa raw sa mga achievement nito ay ang koleksyon niya ng iba't ibang armors ni "Iron Man."
 

"Ito sa tingin ko ang pinaka-achievement ko kahit maliliit lang siya kasi, mura lang naman 'yong bawat isa sa kanila... nasa P200 lang yata. Pero proud ako dito kasi halos nakumpleto ko ang lahat ng armors ni 'Iron Man,'" kwento niya.
 
Ang pinakamahal naman niyang koleksyon ay ang life-sized "Iron Man" figure na nagkakahalaga ng P30,000.
 
Bukod pa rito, mahilig din sa Roadfill sa pagkuha ng mga litrato.
 
Aniya, "Nagsimula 'yon kasi nang may ibenta sa'kin na camera. Nagsimula ako sa toy photography, street. Marami, eh, may landscape pero pinaka... kung saan talaga ako naglevel-up doon sa portrait."
 
Ginamit niya ang mga kapwa artista niya tulad nina Gwen Zamora, Heart Evangelista, Michael V, at iba pa bilang subjects ng kanyang litrato.
 
Ngunit ang paborito daw nitong kunan sa lahat ay ang kanyang asawa.
 
"Favorite kong picturan ang wife ko," saad nito.
 
At bukod sa pagpapatawa, action figures, at photography, ang isa pang hilig ni Roadfill, ang kumanta kung saan inirerekord niya ang ilang sa mga ito. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
 
Go to comments