ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

UP, Ateneo, DLSU pasok sa Top 200 schools sa buong mundo sa ilang asignatura


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napabilang ang tatlong sa nangungunang unibersidad ng bansa sa listahan ng pinakamagagaling na paaralan sa buong daigdig.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng London-based research insititution na Quacquarelli Symonds.

Sa ulat ng dzBB, pasok ang University of the Philippines, Ateneo de Manila University, at De La Salle University sa Top 200 schools sa Quacquarelli Symonds (QS) World University Ranking by Subject ngayong taon.

Ayon sa survey, pumwesto ang UP at Ateneo sa top 51-100 para sa mga asignaturang English language at literature.

Pasok naman sa top 101-150 ang De La Salle University sa parehong kategorya.

Samantala, pumasok naman sa top 151-200 ang UP para sa mga asignaturang agriculture at forestry. — RC /LBG, GMA News