2 araw bago ang eleksyon, Comelec at iba pang govt website, maaaring inatake
Dalawang araw bago ang eleksyon sa Mayo 13, ilang website ng pamahalaan, kabilang na ang sa Comelec ang hindi mabuksan, malamang umano dahil sa hacking.
Sa panayam kay Comelec spokesman James Jimenez, itinanggi nito na nagkaroon ng hacking sa Comelec website. Aniya, maaaring marami lamang gumagamit ng website kaya’t masydaong mabagal ang pag-load nito.
"Too many people trying to access (the site), slows everyone down," aniya. “"Kasi naglo-load naman yung site namin eh. Napaka-bagal lang.”
Samantala, napansin naman ng technical security team ng GMA Network na ilang beses sinubukang i-hack ang website nito.
Bukod sa GMA, ilan pang pampribadong kumpanya ang maaari din umanong inatake ng mga hackers kasama na ang ABS-CBN News, Philippine Airlines, Globe, Smart and iba pang website ng gobyerno.
Possible umanong nanggaling sa Taiwan ang mga nasabing pag-atake.
Nitong Sabado ng tanghali, ilang website pa rin ang hindi mabuksan kasama ang mga sumusunod:
Department of Foreign Affairs, www.dfa.gov.ph
Department of Interior and Local Government, www.dilg.gov.ph
Department of Science and Technology, www.dost.gov.ph
Philippine National Police, www.pnp.gov.ph
Philippine Army, www.army.mil.ph
Philippine Navy, www.navy.mil.ph
Philippines News Agency, www.pna.gov.ph
Philippine Information Agency, www.pia.gov.ph
Halos lahat ng mga website na nasabi ay inatake sa pamamagitan ng "Distributed Denial of Service (DDoS)” kung saan hindi maaaring buksan ng publiko ang isang website.
Ayon sa isang artikulo mula sa Inside.com ng Taiwan, ang mga pag-atake umano sa mga nasabing website ay maaaring dulot ng insidente sa karagatan na kinasangkutan ng mga mangingisdang Taiwanese at mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Noong Huwebes ng umaga, napatay ang isang mangingisda matapos itong mabaril ng mga tauhan ng PCG.
Ayon sa PCG, ilegal umanong nangingisda ang mga Taiwanese sa karagatan ng Pilipinas.
Humingi ang bansang Taiwan ng public apology mula sa gobyerno subalit nabigo ang mga ito.
Samantala, ang iba pa umanong target ng mga cyber attack ay ang mga sumusunod:
http://customs.gov.ph/
http://liloan.gov.ph
http://pcdspo.gov.ph/
http://ph.news.yahoo.com/
http://pmc.navy.mil.ph
http://pnp.gov.ph/
https://onlinebooking.philippineairlines.com/
http://www1.philippineairlines.com/
http://www1.smart.com.ph/corporate
http://www.abs-cbnnews.com/
http://www.bas.gov.ph
http://www.belltel.ph/index.html
http://www.bir.gov.ph
http://www.boi.gov.ph
http://www.bsp.gov.ph/
http://www.coastguard.gov.ph
http://www.congress.gov.ph
http://www.dfa.gov.ph/
http://www.dnd.gov.ph/
http://www.dof.gov.ph/
http://www.doj.gov.ph
http://www.dotc.gov.ph/
http://www.dti.gov.ph
http://www.globe.com.ph
http://www.gmanetwork.com/news/
http://www.gov.ph
http://www.navy.mil.ph
http://www.neda.gov.ph
http://www.ntc.gov.ph/
http://www.pcc.gov.ph
http://www.peza.gov.ph
http://www.philippineairlines.com/
http://www.philippinechamber.com
http://www.pia.gov.ph
http://www.pnr.gov.ph/
http://www.president.gov.ph
http://www.pse.com.ph
http://www.senate.gov.ph
http://www.suncellular.com.ph/
http://www.tacloban.gov.ph
http://www.taiwanoffice.org.ph
http://www.tourism.gov.ph
http://www.wtcmanila.com.ph
— Rouchelle R. Dinglasan /LBG, GMA News