ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Taiwan President: PHL, dapat parusahan sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinag-iisipan ngayon ni Taiwan President Ma Ying-jeou kung ano ang kaparusahang maaaring harapin ng Pilipinas matapos mabaril at mapatay ang isang mangingisdang Taiwanese sa pag-atake ng Philippine Coast Gurad noong Huwebes. "We will definitely seek justice for our fisherman. We will not rule out the possibility of taking any kind of sanctions,” ayon kay Ma na dumalo sa isang pagsasanay ng Central Taiwan Coast Guard. "The Philippines shot an unarmed fishing boat. This is very brutal and cold-blooded,” dagdag pa nito. Muling inulit ni Ma na dapat magbigay ng isang public apology ang Pilipinas. Aniya, dapat ding maparusahan ang opisyal ng Philippine Coast Guard na bumaril sa mangingisda. Dapat din umanong bigyan ng karampatang kabayaran ang mga naulila nito. Nitong Sabado, ilang website na pagmamay-ari ng pamahalaan ng Pilipinas ang apektado ng isang cyber attack mula sa mga Taiwanese bunsod umano ng insidente sa karagatan.

Guang Ta Hsin 28 fishing vessel arrives at Liuqiu in Pingtung County, southern Taiwan May 11, 2013. A Philippines fisheries official said one of its vessels, acting under the threat of being rammed, opened fire on Thursday on Guang Ta Hsin 28 fishing vessel about 170 nautical miles southeast of Taiwan, killing one person on board. The Philippines agreed on Friday to investigate the shooting death of the fisherman after criticism from Taipei and Beijing, but pledged increased efforts to prevent further incursions in its territorial seas.
Freeze hiring Ilang mambabatas naman sa Taiwan ang nagtutulak na ipatupad ang “freeze hiring” sa mga Pilipino may balak magtrabaho sa Taiwan. Ipaiiral umano ito hangga’t hindi humihingi ng tawad ang Manila. Ayon sa mga awtoridad ng Taiwan, mahigit 50 tama ng bala ang tinamo ng bangkang pagmamay-ari ni Hung Shih-cheng, ang 65 anyos na lalaking namatay sa insidente. Ang mga pahayag umano ni Ma laban sa pamahalaan ng Pilipinas ay dulot ng matinding pagkondena ng publiko sa nangyaring paggamit ng dahas ng Philippine Coast Guard. Samantala, nilinaw naman ni Philippine Coast Guard spokesman Commander Armand Balilo na nangyari ang insidente sa teritoryo ng Pilipinas. Paliwanag nito, ginagawa lamang nila ang kanilang responsibilidad laban sa mga illegal na mangingisda. "If somebody died, they deserve our sympathy but not an apology," ani Balilio. Pinabulaanan naman ng anak ng biktima ang pahayag ni Balilio. Aniya, hindi umabot sa teritoryo ng Pilipinas ang kanilang bangka. Ang nasabing insidente na ikinamatay ni Hung ay umani naman ng mga batikos mula sa Taiwan media. Ayon sa China Times na naka-base sa Taiwan, ang naganap na insidente ay isang “criminal case” na dapat panagutan ng gobyerno ng Pilipinas. “The Philippines' uncivilized action apparently violated maritime convention, the Taiwan government must take strong counter moves to defend our fishermen's rights and prevent similar tragedy [from happening again]," ayon dito. “An act of brigands,” ganito naman inilarawan ng Apple Daily newspaper sa nasabing insidente. Dagdag pa nito, "[Taiwanese people] angrily demand that blood debt be paid." — Rouchelle R. Dinglasan /LBG, GMA News