ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

18 armadong lalaki na tauhan daw ng isang kandidato, nasabat ng mga pulis sa Davao del Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasabat sa isang checkpoint ng mga pulis sa Malita, Davao del Sur ang 18 lalaki na armado ng iba't ibang kalibre ng baril. Sa ulat ni Tek Ocampo ng GMA-Davao sa GMA Flash Report nitong Lunes, sinabing mga tauhan ng Regional Public Safety Command ng Philippine National Police (PNP) ang nakadakip sa mga lalaki. Dinala ang mga ito sa Malita police station para ipagpatuloy ang imbestigasyon. Sinasabing tauhan ng isang kandidatong kongresista ang mga nadakip na lalaki. Ayon sa ulat, isa ang Malita sa mga bayan sa Davao del Sur na may pinakamaraming botante kaya pinag-aagawan ito ng mga kandidato. Samantala, nagkaberya ang botohan sa Daniel R.  Aguinaldo High School  sa Davao City matapos pumalya ang ilang PCOS machines. Pitong presinto sa nasabing paaralan ang naapektuhan sa pagpalya ng mga makina ng PCOS. Gayunman, natuloy pa rin ang pagboto ng mga tao pero inilagay muna sa selyadong kahon ang mga baloto. - FRJ, GMA News