ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang botante, lumusong sa baha para makaboto sa Calasiao, Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gaya ng kanilang inaasahan, inulan at binaha ang ilang bahagi ng Pangasinan partikular sa bayan ng Calasiao ngayong araw mismo ng eleksiyon. Sa ulat ni CJ Torrida ng GMA-Dagupan, sinabing naging madalang ang botohan sa  Talibaew Elementary School sa Calasiao bunga ng pag-ulan doon nitong umaga ng Lunes na nagdulot ng pagbaha. Dahil walang botante, ang mga watcher ng mga kandidato ang naunang pinaboto. Ilang residente naman ang napilitang lumusong sa baha para makaboto. Ang mga opisyal ng barangay, gumawa rin ng paraan para maalis ang baha. Mayroon ding sasakyan na sinabing nag-alok ng libreng sakay na naghahatid sa mga tao sa lugar ng botohan. Gayunman, hindi sinabi kung mayroong kandidato na umarkila ng nasabing sasakyan. Nitong Sabado, nagpahayag ng pangamba ang mga residente sa Calasiao na baka bahain ang kanilang lugar sa araw ng halalan bunga nang pag-ulan at pagbaha na nangyari sa kanilang lugar.- FRJ, GMA News

Tags: eleksyon2013