ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Granada, iniwan sa labas ng bahay ng alkalde ng Estancia sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang nag-iwan ng isang granada sa labas ng bahay ng re-electionist mayor ng Estancia sa lalawigan ng Iloilo nitong araw ng eleksiyon. Sa ulat ng dzBB radio nitong Martes, sinabing ang hindi sumabog na granada ay natagpuan sa labas ng gate ng bahay ni Mayor Rene Cordero. Maingat naman na kinuha ng mga tauhan ng Police Explosives and Ordnance Division and Special Action Force ang nasabing pampasabog. Sa naturang ulat, sinabi ni Cordero na namataan nila ang nasabing granada sa labas ng kanilang bahay nitong Lunes ng gabi. Ang Estancia ay kabilang sa mga lugar na inilagay sa election watch list dahil sa mataas na posibilidad na magkaroon ng karahasan. Batay sa partial unofficial tally na kumakatawan sa 50%  ng Election Returns ng Estacia, nangunguna sa bilangan si Cordero na may 5,325 boto, laban sa pumapangalawang si Nonnon Golingan na may 3,202 boto. - FRJ, GMA News

Tags: granade, iloilo