ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lucy Torres, wagi bilang Leyte representative; asawang si Richard Gomez, bigo sa Ormoc mayoralty bid


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling nahalal and TV host Lucy Torres-Gomez bilang representante ng ika-apat na distrito ng Leyte ngunit bigo naman ang kanyang asawang si Richard Gomez na makuha ang mayoralty post ng Ormoc City.

Sa ulat ni GMA News reporter Rida Reyes, ipinroklama na si Lucy laban sa kalaban nitong si Ormoc City Eric Codilla. Samantala, ipinroklama namang Ormoc City mayor si Edward Codilla.

Matatandaang unang sumubok si Richard sa larangan ng pulitika nang tumakbo ito bilang party-list representative ng Mamamayang Ayaw sa Droga (MAD) noong 2001 ngunit na-disqualify ang grupo dahil pinopondohan umano ito ng gobyerno.
 
Noong 2007 naman, tumakbo si Richard sa pagka-senador ngunit nabigo naman ito.
 
 
Bagama't dalawang beses nang nabigo si Richard, hindi pa rin ito tumigil at muling tumakbo sa Kongreso para sa ikalawang distrito ng Leyte noong 2010.
 
Sa kasamaang palad, diskwalipikado ang kanyang kandidatura dahil sa isyu ng residency requirement kaya si Lucy ang ipinalit ng kanyang partido bilang kandidato. 

Nanalo si Lucy noong 2010 elections, ngunit noong nakaraang Marso lamang, nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagdedeklara na hindi balido ang pagkapanalo ni Lucy bilang kongresista matapos siyang gawing kapalit sa kandidatura ni Richard noong 2010 elections. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News