Lim, tanggap ang pagkatalo kay Erap
Tinanggap na ni outgoing Mayor Alfredo Lim ang pagkatalo niya kay dating Pangulong Joseph Estrada sa pagkaalde sa lungsod ng Maynila.
Kasabay nito, sinabi ni Lim na "all the best" para kay Erap at sa nanalo ring bise alkalde nito na si Isko Moreno.
Sa mga post sa social media accounts niya, sinabi ni Lim na "(he) respect(s) and acknowledge(s)" ang pagka-proklama kina Erap at Isko ng Comelec.
We respect and acknowledge the said proclamation and wish them all the best!" sabi ni Lim sa Facebook at Twitter accounts niya.
Nagpalitan ng maaanghang na salita sina Estrada at Lim noong panahon ng kampanya.
Ngunit noong Martes, nais makipag-ayos ni Estrada kay Lim, na kalihim ng Department of Interior and Local Government noong Estrada administration.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamt si Lim sa lahat ng mga kamag-anak niya, kaibigan at residente ng Maynila na nagpakita ng suporta at tiwala sa kanya.
"We would like to thank our relatives, friends and the Manileños for their support, trust and confidence in us.
Thank you and God Bless us all!" sabi niya. — JGV /LBG, GMA News