ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Motorcycle Diaries' Bicol Expedition, aarangkada na ngayong Huwebes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

MOTORCYCLE DIARIES
Bicol Expedition Part 1
May 16, 2013 

 
Ngayong Mayo sa bago nating ekspedisyon, bibisitahin natin ang rehiyon ng mga  “magayon” at“uragon” dahil ang kabikulan naman ang sunod nating destinasyon!

Probinsiya ng Camarines Norte ang first stop sa unang yugto ng Bicol Expedition. Sa gitna ng kabukiran sa bayan ng Paracale nakilala ni Jay ang isang pambihirang lolo. Sa edad na sitenta y singko, nagagawa pa rin ni Tatay Deo na maggapas, umakyat ng puno at magbiyak ng buko. Ang nakakabilib, ginagawa niya ito sa kabila ng pagiging bulag! Bata pa lang kasi siya ng tuluyang magdilim ang kanyang paningin.

Sa bayan pa rin ng Paracale, pangunahing kabuhayan ng mga residente ang pagmina ng ginto. Pero ngayon hindi na lang nila ito minimina, umuusbong na rin ang industriya ng paggawa ng alahas na ginto!


Mga prutas naman ang itinuturing na gintong pinagkakakitaan ng mga tao sa ilang bayan ng Camarines Norte. Ipinagmamalaki sa bayan ng Labo ang Formosa Pineapple o Queen Pineapple. Bukod sa matamis, malinamnam at malutong nitong laman, ibat ibang produkto pa ang nakukuha sa pinyang ito tulad ng pina cloth at papel. Isa pa sa inaasahan ng mga residenteng makapagpapabango sa ekonomiya ng kanilang bayan ang dahon ng tanglad china grass o citronella na ginagawa nilang mabisang pamatay-insekto. Sa bayan naman ng Basud iba’t ibang klaseng kabuteng maaaring kainin ang pinararami.

  Isang natatanging tao ang naninirahan sa bayan ng Basud. Dito kakamustahin natin si Joselito Montemayor, ang nag-iisang Buko King! Kaya niyang magbalat ng buko gamit lang ang kanyang ngipin at ang record niya na pinanghahawakan… sampung segundo lang naman! Minsan na siyang kinilala sa buong mundo bilang taong may pinakamatibay na ngipin! Pero ang nakamamangha, ang natatanging talento tila naipasa na niya sa kanyang mga anak.


Atin ding masusulyapan ang pakikibaka sa buhay ng mga batang sumisisid sa kailaliman ng dagat para manghuli ng isda gamit ang pana!


Angkas na sa panibagong paglalakbay at kumapit ng mahigpit sa unang yugto ng ating Bicol Expedition ngayong Huwebes, 10pm sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!
Tags: plug