ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dennis Trillo, paninindigan ang pagiging gay sa bagong Kapuso series na My Husband’s Lover
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang kanyang matagumpay na pagganap bilang Marcel sa Temptation of Wife, isa na namang de-kalibreng role ang gagampanan ni Dennis Trillo sa bagong Kapuso series na My Husband’s Lover. Sa story conference ng My Husband’s Lover, isang tanned na Dennis Trillo ang humarap sa press upang sumagot sa mga katanungan tungkol sa kanyang bagong project. Napag-alaman ng GMANetwork.com na Dennis will be playing the gay lover sa kakaibang love triangle story. Paano nga ba niya pinaghahandaan ang kakaibang role na ito? “Ako kasi tahimik ako na tao, mahilig akong mag-observe. Sa inilagi ko sa showbiz, marami na akong mga naobserbahan, kung baga nakapag research na ako sa pagmamatyag ko sa iba't ibang tao. So ngayon, i-adjust ko na lang siya tapos manonood na lang ako ng mga films na tulad ng 'Brokeback Mountain.' Hindi ko pinapanood ito dati kasi hindi ko alam kung maasiwa ako eh, pero ngayon kailangan ko siyang panoorin para makakuha ako ng konting pointers,” paliwanag niya. Idinagdag pa niya na sa dami ng kakilala niyang gay sa industriya, “every day may napupulot akong mga nuances.” Pero hindi ba siya natatakot na baka pagdudahan ang kanyang gender preference kapag ipinalabas na ang My Husband’s Lover sa June? “Siguro sa dami nang nangyari sa buhay ko, sa showbiz, kung meron man siguro, merong konti [na magdududa]. Pero karamihan siguro hindi na ako pag-iisipan," tugon niya. Patuloy niya, "Natakot din ako sa umpisa kasi araw-araw akong makikita sa TV. Pero kailangan panindigan ko na lang talaga. Ipakita ko na karadapat dapat ding mahalin ang character ko.” Pero tiyak na na isa na namang challenge sa actor ang kanyang role sa My Husband’s Lover . “Sobrang challenging ito, lalong-lalo na first time ko makakatrabaho yung ka-partner ko na si Tom Rodriguez. Si Carla Abellana ngayon ko lang din makakatrabaho sa isang mahabang series,” ayon kay Dennis. But the big question is handa ba syang harapin ang challenge ng pagiging initimate sa isang kapwa lalaki? “Nagawa ko na 'yan dati sa pelikula, kaya hindi ako magkakaroon ng problema kung gagawin ko ulit. Pero ang problema lang kung puwede ba ito ipalabas sa TV. Bahala na ang director namin diyan, may tiwala ako sa kanya,” ang nakangiting pagtatapos ng aktor sa interview. Abangan ang My Husband’s Lover ngayong June sa GMA Telebabad. --Loretta G. Ramirez, GMANetwork.com Tags: dennistrillo, myhusbandslover
More Videos
Most Popular