ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sarah Jessica Parker, na-enjoy daw ang pananatili sa Pilipinas, pati na ang traffic


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dumagsa ang mga tao sa pagbubukas ng SM Aura sa The Fort Bonifacio Heights sa Taguig City nitong Huwebes kung saan kabilang sa mga dumalo ay ang Hollywood actress at fashion icon na si Sarah Jessica Parker.   Nasa event ang ilang fashion personalities tulad ng magkapatid na Andre at Daryl Chang, mga fashion editor ng Preview Magazine, stylist na si Matt Gozun, makeup artist na si Jake Galvez, Maxene Magalona at mag-inang Gretchen Barretto at Dominique Cojuangco.    Kasama nina Gozun at Galvez, mga host ng podcast show na Becky Nights, ang ilang kaibigan na proud na proud na sinabing, "The gays here [in the Philippines] love you Jessica!"    Nandoon din ang may-ari ng SM na si Mr. Henry Sy na kasabay dumating ng "Sex and the City" star para sa ribbon cutting.    Ang SM Aura ang itinuturing high-end mall ng kumpanya.  Natutuwa umano si Sarah sa pagkakataon na makabisita sa Pilipinas para sa pagpapasinaya ng SM Aura bagaman hindi niya nagawang makapamasyal. Idinagdag pa ng aktres na na-enjoy niya ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino, ang pagkain, maging ang traffic. Umaasa din siya na muling makababalik sa Pilipinas. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News