ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Si Baby Axel sa 'Wish Ko Lang'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang sanggol na si Axel ay may pambihirang karamdaman, sa Pilipinas tatlo lang daw ang may kapereho niyang kondisyon na kung tawagin ay congenital central hypoventilation syndrome. Ito raw ay problema sa paghinga, gaya sa tuwing sila ay tulog, nalilimutan o hindi raw sila kusang humihinga. Kaya kailangan niya ng isang ventilator na ang halaga ay napakamahal. Mahirap lang ang kanyang mga magulang, lahat na raw ng paraan ay halos nagawa na nila maka-ipon lang para mabili na ang aparato sa paghinga.
Sa Siquijor, makikilala si Mang Chanel na ang hanapbuhay daw ay sumisid para manghuli ng sea urchin o tuyom. Dito niya binubuhay ang kanyang asawa’t anim na anak. Madalas pati mga anak niya ay nakikisisid na rin para siya ay tulungan. Pero kung maalon at mapanganib sa laot, wala silang magawa kungdi hinto ang panghuhuli. Hindi raw ito ang pinangarap niyang maging buhay ng kanyang mga anak, nakakahinayang daw kung sila ay pagkaitan ng magandang kinabukasan.
Sino ang tutulong kay Baby Axel? Paano gagaan ang buhay ng pamilya ni Mang Chanel? Abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk.
Tags: plug
More Videos
Most Popular