ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Paalala ng BIR sa mga kumandidato: Mag-ulat sa nagastos sa kampanya
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong tapos na ang eleksyon 2013, pinaalalahanan ng Bureau of Internal revenue ang mga nanalo at natalong mga kandidato na mag-ulat na sa kanilang mga nagastos sa pangangampanya.
Kasabay nito, sinabi ni BIR commissioner Kim Henares na kailangan umanong magbayad ng buwis ang mga kandidato sa mga 'di nagastos na kontribusyon na natanggap para sa pangangampanya.
Ikokonsiderang personal income ang mga hindi nagastos na kontribusyon at donasyon na natanggap ng isang kandidato, batay sa Revenue Regulation No. 72011.
Dahil dito sinabi ni Henares na kailangang patawan ng limang porsyentong "creditable withholding tax" (o advance na buwis) ang mga natanggap na kontribusyon na hindi na gastos. — RC /LBG, GMA News
More Videos
Most Popular