1 patay, 26 nasaktan sa naaksidenteng bus sa Ilocos Sur
Isang naglalakad sa kalye ang nasawi, habang 26 na pasahero ang nasaktan nang maaksidente ang isang pampasaherong bus sa Santiago, Ilocos Sur nitong Huwebes ng hapon . Sa inilbas na impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Biyernes, kinilala ang nasawing pedestrian na si Joel Vez, 24-anyos. Sa naturang ulat ng NDRRMC, sinabing binabagtas ng bus ang national highway sa Barangay Olo-olo Sur sa bayan ng Santiago nang mawalan ng kontrol sa sasakyan ang drayber na si Raymundo Ulpino at bumangga sa concrete marker at poste. "The bus driver lost control of the vehicle due to a slippery road caused by heavy rain. The bus turned to its side after hitting a concrete marker and an electrical post," ayon sa ulat. Bukod sa drayber ng bus, ang iba pang nasaktan sa nasabing aksidente ay kinilala ng NDRRMC na sina: Dario Rosalinda Gay-ad Laurito Llanesa Noemi Grapisa Brian Lundang Antonnette Ballo Leonida Catriz Fermin Pascual Caridad Gonzalez Loreto Acavanza Juliet Veronilla Dexter Boone Mark Anthony Ballala Adelvic Chistianne Cutler Charlie Cagain Florence Vernal Antonio Isabelo Rodelyn Caray Marilou Garid Miguel Llaneza Mary Joy Hidalgo Maria Catalina Hidalgo Michael Perez Aprilyn Pascua Christine Decano Ireneo Valena Dinala ang mga biktima sa Candon General Hospital at Candon City Hospital para gamutin. - FRJ, GMA News