ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DFA chief, pinakamayamang kasapi ng Gabinete; MMDA chief, halos dumoble ang ari-arian sa 2012


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario pa rin ang pinakamayamang kasapi ng Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III. Ito ay batay sa isinumiteng 2012 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng mga opisyal ng pamahalaan. Sa ipinalabas na listahan ng Malacanang sa SALN ng mga kasapi ng Gabinete nitong Biyernes, lumitaw na umabot sa P705,481,105.13 ang ari-arian ni del Rosario, mas mataas ng P47.5 milyon kumpara noong 2011. Samantala, mula sa P22,540,381.52 net worth noong 2011, lumitaw na umangat ng mahigit P20 milyon ang ari-arian ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, para maging P43,773,691.02 nitong 2012.

Kasama rin sa listahan ng mga pinakamayamang kasapi ng Gabinete sina Finance Secretary Cesar Purisima na may networth na P270,712,090.46 (mas mataas ng mahigit P9 milyon noong 2011). At si Tourism Secretary Ramon Jimenez na may P249,986,800 (mas mataas ng mahigit P11 milyon noong 2011). Si Budget Sec. Florencio Abad, umangat ang networth sa P38,329,509.15 mula sa P29,655,959.82 noong 2011. Umangat din mahigit P6.9 milyon ang networth ni Agriculture Sec. Proceso Alcala para maging P93,975,676.90 May pinakamaliit naman na networth si Education Secretary Bro. Armin Luistro na umabot sa P550,651.14, mas mababa pa sa P739,006.14 na naitala niya noong 2011. Lumitaw din na may pinakamalaking kabawasan sa ari-arian si Presidential Adviser to the Peace Process Secretary Ging Deles, na mula sa networth na P21,832,293 noong 2011, ay nabawasan ng mahigit P21 milyon para maging P7,092,974.17. - FRJ, GMA News
Tags: saln, networth