ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Palasyo, kumpiyansang maipapaliwanag ng hepe ng MMDA ang paglobo ng yaman sa SALN


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpahayag ng tiwala ang Malacañang na kayang ipaliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino ang halos pagdoble ng kanyang ari-arian sa loob lamang ng isang taon magmula 2011 hanggang 2012. “I have not spoken to him (Tolentino) but I’m sure he would be happy to shed light. We will contact Chairman Tolentino,” paliwanag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa dzBB radio nitong Sabado nang matanong tungkol sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kasapi ng Gabinete. Sa mga kasapi ng Gabinete, naging kapansin-pansin ang nakatalang yaman ni Tolentino na umakyat sa P43,773,691.02 nitong 2012 mula sa P22,540,381.52 noong 2011. Nanatili naman na pinakamayaman sa miyembro ng Gabinete si  Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na umabot sa P705,481,105.13 ang ari-arian, mas mataas ng P47.5 milyon kumpara noong 2011. Ngunit paliwanag ni Valte, hindi lahat ng kasapi ng Gabinete ay umangat ang yaman mula nang maging kasapi ng Official Family ni Pangulong Benigno Aquino III. Kabilang na dito na sina Education Secretary Bro. Armin Luistro at si Presidential Adviser to the Peace Process Secretary Ging Deles. Mula sa networth na P21,832,293 noong 2011, bumaba sa P7,092,974.17 ang yaman ni Deles nitong 2012. Samantala, ang may pinakamababang networth na si Luistro ay lalo pang nalagasan nitong 2012 na naging P550,651.14, mula sa P739,006.14 noong 2011. “A number of them came from the private sector and (had) higher paying occupations prior to this. We all know salary in government is not competitive,” paliwanag ni Valte. “Kung CEO ng private company at Cabinet secretary, may disparity sa pay," dagdag niya. — FRJ, GMA News