ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

50 mga bata sa Davao, naospital matapos kumain ng puto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Limampung bata ang isinugod sa ospital sa Davao City matapos kumain ng kontaminadong puto, ayon sa ulat sa radyo nitong Linggo. Dalawa sa mga bata ang nasa panganib na kondisyon at nananatili pa rin sa lokal na ospital, ayon sa ulat ng radio dzBB. Ayon sa ulat, nanganganib pa ang kondisyon ng dalawang lalaking bata, 6 at 9 taong gulang. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ng mga bata ang puto malapit sa basurahan at kinain ito. Mayroon umanong kamoteng kahoy (cassava) ang puto, ayon sa ulat. Sinusuri na ng mga lokal na awtoridad ang insidente at kung sino ang nag-iwan ng puto. — Amanda Fernandez/BM, GMA News