ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Wagi laban sa dynasty
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
WAGI LABAN SA DYNASTY
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: May 20, 2013
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: May 20, 2013

Hindi sila kilala, pero sila ang gumapi sa mga Gordon ng Olongapo City at Magsaysay ng Zambales.
Sila sina Rolen Paulino, ang susunod na alkalde ng Olongapo City, at Jeffrey Khonghun, ang bagong kongresista ng unang distrito ng Zambales.
Ayon kay Paulino, wala pang P500,000 ang kanyang ginastos sa eleksyon. Nagkataon lang daw na gusto na mismo ng mga taga-Olongapo ng bagong apelyido sa munisipyo. Nakalaban niya sina Anne Gordon at Bugsy delos Reyes.
Si Khonghun naman, pinatumba sina James Gordon Jr. at Jobo Magsaysay sa labanan para sa unang distrito ng Zambales.
Ano ang nangyari at nanalo ang dalawa laban sa mga matatag nang apelyido sa politika?
Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie ngayong Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular