ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carl Guevarra, may birthday surprise kay Kris Bernal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Simple lang ang birthday wish ng Kapuso star na si Kris Bernal para sa kanyang ika-24 na kaarawan, at ito ang mapasaya ang mga tagahanga at mga mahal sa buhay.

Kaya naman ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan kasama ang mga bata sa Girls Home, Manila Boystown Complex sa Marikina nitong Lunes.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute portion ng “24 Oras,” isang misa at salu-salo ang ginanap sa nasabing lugar para sa mga bata roon. Dalawang bata rin ang masuwerteng mabibigyan ng scholarship sa kolehiyo.

Wika ni Kris, "Happy kasi at least 'di ba sa ganitong paraan, nashe-share ko 'yung blessings ko na dumadating sa 'kin."



Noong Biyernes pa ang kaarawan ni Kris ngunit hindi nito lubos akalain na isang sorpresa pala ang handog ng kanyang masugid na manliligaw na si Carl Guevarra.

Niregaluhan kasi nito ng isang all-expense paid trip sa Singapore ang aktres.

"Para akong prinsesa," ani Kris. "Siyempre kapag nagta-travel kami, siyempre ako 'yung nag-iisip ng itinerary kung paano 'yung lakad, kung paano lahat."

Samantala, malaking bagay para kay Kris ang bakasyong ito dahil ito ang unang pagkakataon na lalabas ng bansa ang aktres na hindi kasama ang pamilya. Kaya naman, hindi pinalampas ng dalawa ang mabisita ang tourist spots sa nasabing lugar.

"Nag-set siya ng dinner sa Ferris Wheel, sa Singapore flyer. Ayon kakaiba lang... Pagdating sa 'kin, talagang all out siya. Hindi niya iniisip 'yung pera [at] hindi niya iniisip 'yung oras," anang aktres.

Noong nakaraang linggo rin, pinasaya ni Kris ang Kapuso fans sa Hawaii kasama ang matagal na nitong katambal na si Aljur Abrenica.

Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ang dalawa sa Hawaii ngunit pakiramdam daw ni Kris ay nasa Pilipinas lang sila dahil sa dami ng mga Filipino.

"Nakakatuwa kasi alam mo 'yung excited sila," batid ni Kris. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News