ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

40 Taiwanese at 12 Chinese, iniimbestigahan kaugnay ng cybersex den operation sa Ilocos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inimbitahan ng Bureau of Immigration sa Ilocos Norte ang 40  Taiwanese at 12 Chinese kaugnay sa umano'y operasyon ng cybersex den sa Ilocos Sur. Sa ulat ng "Balitanghali" nitong Martes, sinabing naka-check in sa isang resort sa Ilocos Norte ang mga dayuhan na inimbitahan ng BI nitong Martes ng umaga. Batay sa natanggap na impormasyon ng BI, sinasabing ang cybersex den ay pinapatakbo ng mga dayuhan. Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman na isa sa mga Taiwanese ay overstaying na. Tumanggi ang mga dayuhan na magbigay ng pahayag, ayon pa sa ulat. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad. - FRJ, GMA News