ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maxene Magalona, gaganap na kontrabida sa unang pagkakataon sa Mga Basang Sisiw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa unang pagkakataon, gaganap na kontrabida sa isang serye si Maxene Magalona  sa GMA Afternoon Prime na Mga Basang Sisiw. “Ako si Vicky sa Mga Basang Sisiw, and this is my first time to play a kontrabida role. Pero kailangan nilang abangan kasi [dahil] hindi lang siya basta-bastang kontrabida,” paliwanag ng aktres. Pagtiyak ni Maxene, maraming twists and turns na dapat abangan sa serye. “Maraming twists and turns na mangyayari sa show na ito kasi it’s not your usual show na may kontrabida, may bida, tapos mananalo ‘yung bida. It’s an ensemble cast and lahat ng characters sa show na ‘to, importante,” pagdiin niya. Makakatrabaho ni Maxene sa Mga Basang Sisiw ang mga baguhan at batikan na sa industriya. “Makakatrabaho ko ang maraming mga bagets! Of course, I’m so excited to work with Ms. Lani Mercado. It’s my first time to work with her, and also Gardo Versoza and Raymond Bagatsing. Of course, hindi mawawala ‘yung leading man ko forever na si Mike Tan,” pahayag niya. Abangan ang Mga Basang Sisiw na magsisimula sa June 3 sa GMA Afternoon Prime. -- Samantha Portillo/FRJ, GMA News