ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PAGASA: 'Di pa tapos ang tag-init kahit may mga pag-ulan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa gitna ng kalat-kalat na mga pag-ulan na nararanasan sa bansa, nilinaw ng PAGASA na hindi pa tapos ang tag-init.

Ayon kay Alvin Pura, weather forecaster  ng PAGASA, tinatawag na “localized thunderstorms” ang nararanasan nitong mga nakalipas na araw, ayon sa ulat ng dzBB.

“Usually po... 'pag mainit sa umaga, meron po tayong tinatawag na 'convection' na nangyayari or pagbuo ng mga kaulapan at usually ang ating mga pag-ulan ya kadalasan nangyayari sa hapon o sa gabi,” ayon kay Pura.

Nananatili pa rin umano sa ngayon ang tinatawag na “ridge of  high-pressure area” kaya hindi pa makapasok sa bansa ang hanging habagat na siyang magdadala ng malalakas at regular na pag-ulan.

Asahan umano ang pagpasok ng tag-ulan bago matapos ang Mayo o sa unang bahagi ng Hunyo.

“Generally good weather po tayo 'pag meron tayong ridge of high-pressure area.... Ang inaasahan po nating pagpasok ng tag-ulan is this coming end of May or pagpasok po ng school days," dagdag pa ni Pura.  — RC /LBG, GMA News

Tags: weather, pagasa