ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Menor de edad na inakusahang nagnakaw sa bahay, nahuli
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bugbog ang inabot ng isang 17-anyos na lalaki na naaktuhan umano ng may-ari ng isang bahay sa barangay Tejero, Cebu City, na naghahalungkat ng gamit nitong Miyerkules ng madaling-araw. Ayon kay Ariel Castro, dakong 1:00 a.m. nang mamalayan niya na mayroong tao na naghahalungkot ng gamit sa kaniyang dresser. Nung una ay inakala niyang pamangkin niya ang naghahalungkot pero nang kanyang silipin ay nakita niya ang suspek. Kaagad na humingi ng tulong si Castro sa kanyang mga kapitbahay na dahilan para mahuli ang suspek at nagulpi pa. Mariing namang itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kanya. Napag-alaman naman na hindi ito ang unang pagkakataon na nilooban ang bahay ng biktima. -- Nikko Sereno, FRJ, GMA News
Tags: akyatbahay
More Videos
Most Popular