GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

PHL, ipinaabot ang pakikiramay sa mga biktima ng buhawi sa Oklahoma

May 22, 2013 9:10pm
Giant tornado destroys Oklahoma town, at least 37 dead
Giant tornado destroys Oklahoma town, at least 37 dead. Overturned cars are seen after a huge tornado touched down in the town of Moore, near Oklahoma City, Oklahoma on Monday. The huge tornado that struck the town on May 20 was given a preliminary rating of at least EF4, or the second highest strength level, with winds of up to 200 miles per hour (321 kph), a US government agency said. At least 37 people were reported to have been killed in the disaster. Reuters/Richard Rowe
Ipinaabot ng Pilipinas nitong Miyerkules ang pakikiramay sa mga biktima ng buhawing tumama sa Oklahoma City noong Lunes, kung saan 24 ang namatay.

"The Filipino people join the world in grief in the wake of a devastating tornado that struck Oklahoma City and its environs... We are deeply saddened by the loss of young lives in this catastrophe, many of whom perished in a school where they sought refuge," ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa isang pahayag na binbasa niya sa press conference sa Malacañang.

Noong Martes, tumama ang buhawi sa Oklahoma City, na nag-iwan ng 24 patay at 200 pang ibang sugatan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, wala pang naiulat na Pilipinong napatay mula sa sakuna, ngunit sinabi ni Philippine Consul General sa Chicago na si Leo Herrera-Lim na ang consulate ay "having difficulty contacting other Filipinos due to power outages in affected areas."

Dagdag ni Valte, umaasa ang gobyerno ng Pilipinas na ang mga biktima ng sakuna, lalo na ang Filipino-American community sa lugar, ay makakayang i-"rebuild" ang kanilang mga tahanan at buhay.

"Our thoughts and prayers are with their parents and families in these difficult times. May all the victims of this disaster find solace and strength in the days ahead knowing the world stands steadfast with you," aniya.

Ayon sa Philippine consulate sa Chicago, mayroong 10,800 mga Pilipinong naninirahan sa Oklahoma noong 2010. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa medical na propesyon, partikular na ang mga psychiatrist. Amanda Fernandez/BM, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus