Benjamin Alves, magtuturo ng abdominal exercises sa 'Pinoy MD'
May mga relasyon na bagama’t masaya sa simula, nauuwi rin sa pag-aaway, sakitan at kung minsan, hiwalayan. Para sa mga dumaranas ng problema sa kanilang ka-relasyon, matindi ang sama ng loob na kanilang dinadala. Pero bukod dito, ayon sa mga eksperto, nakasasama rin daw ang mga problema sa pag-ibig para sa kalusugan, Ano-ano ang “health risks” ng pananatili sa isang pagsasamang tila wala nang pag-iibigan?
Ang ating balat, kapag daw nagkasugat at nagkapeklat, mahirap nang ibalik sa dating kinis. Lalu na kung malalim ang sugat at nagkaroon pa ng keloid, hindi ito nawawala sa simpleng pagpapahid lamang ng gamot. Ang mga sikreto sa pagtanggal ng iba’t ibang klaseng peklat, ipapakita ng ating resident dermatologist na si Dr. Jean Marquez.
Karaniwan natin itong piniprito, sinisigang o kaya ginagawang relleno. Ito ang pambansang isda na talaga namang paborito ng lahat ang linamnam. Sa aming Luto Lusog segment, tuturuan namin kayo ng mga bangus recipe na masustansiya, kakaiba pero madali lang gawin.
Para paliitin ang tiyan ng mga mister na tila napasarap sa pagkain ngayong summer, magtuturo ng ilang mga ehersisyo si Kapuso actor Benjamin Alves.
Bawat Sabado, sama-sama nating Unahin ang Kalusugan. Sina Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Connie Sison ang tutulong sa inyo para maggawa iyan. Manood ng Pinoy MD, 6 hanggang 7 ng umaga sa GMA.