ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' in Davao: the 24-hour travel challenge
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BIYAHE NI DREW: DAVAO
24 May 2013, 10pm, GMA News TV
Sa Biyernes, extra challenging ang Biyahe ni Drew dahil imbes 48, meron lang 24 hours si Biyahero Drew para maglibot-libot sa Davao City!
Sa laking 244,000 hectares, mas malawak pa ang Davao City sa Hong Kong, at sa kahit na anong siyudad sa buong mundo! Kaya paano naman ito malilibot sa loob ng isang araw? Para sa veteran biyahero, basta’t naka-plano ang itinerary at tama ang pag-budget ng oras, yakang-yaka!

First on Drew’s agenda, extreme activities around the city. Unang susubukan ni Drew ang wakeboarding sa Deca Wakeboard Park na isa sa pinakabagong atraksiyon sa Davao. Magpapagulong-gulong din siya pababa ng isang slope sa Davao Zorb Park.


Matapos ang maghapong pagpapagod, didiretso si Drew sa Jack’s Ridge kung saan makikita ang ilan sa pinakasikat na restaurants sa Davao. Sa Taklobo Restaurant, sasampolan ni Drew ang fresh seafoods na very affordable sa halagang 100 pesos per 100 grams. Sa Balbacuahan sa Buhangin naman, sulit ang budget meals. For 30 pesos, meron ka nang isang mangkok ng balbacua! At para sa panghimagas, nariyan ang Karlo’s Gourmet and Coffee kung saan matitikman ang iba’t ibang coffee specialties tulad ng Durian flavored coffee. Pero ang highlight ng fruit-tripping ni Drew, ang pakikipagbuno niya sa kaniyang long-time nemesis: ang durian. Makain na kaya ni Drew ang pinakaiiwas-iwasang prutas?

Bago matapos ang beinte kwatro oras ni Drew sa Davo, bibisitahin niya ang Samal Island na 10-15 minutes away lang from Davao City. Dito, makakapanuod siya ng kakaibang performance ng fire dancers! At hindi rin palalampasi ni Drew na makapag-diving kahit pa limitado ang oras niya.

“Great thing about diving…sa Samal… hindi mo na kailangang lumayo. Andami mo nang makikitang iba’t ibang klase ng isda. At ang pinakagusto ko… yung mga isda na hindi mo pa alam [ang pangalan] dahil hindi mo pa nakikita sa buong buhay mo.”
Davao in 24 hours? This you gotta see! Kaya sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular