ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Comelec, nagproklama na ng nangungunang 14 party-list groups
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Iprinoklama na ng Comelec ang 14 na nangungunang party-list groups, na garantisadong magkakaroon na ng tig-iisang puwesto sa Kongreso, matapos makakuha ng dalawang porsyento sa lahat ng boto mula sa party-list election.
Inanunsyo ni Commelec Commissioner Elias Yusoph ang proklamasyon nitong Biyernes ng umaga.
Ang 14 na grupo ay ang:
Buhay
A-TEACHER
Bayan Muna
1-CARE
Akbayan
Ako Bicol
Abono
OFW Family Club
Gabriela
COOP-NATCCO
Agricultural Sector Alliance of the Philippines
Citizens' Battle Against Corruption
Magdalo Para sa Pilipino
An Waray
Nauna nang sinabi ni Commissioner Lucenito Tagle sa GMA News Online na: "'Yung mga nakakuha ng one seat, talagang assured na 'yun."
Sa unang tally, nakapasok rin ang nadiskwalipikang party-list na Senior Citizens sa ika-10 puwesto. Ngunit hindi pa umano ng Comelec maaaring iproklama ang grupo dahil may nakabinbin pa itong apela sa Korte Suprema. — JGV, GMA News
More Videos
Most Popular