ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Opisinang hindi awtorisadong magproseso ng visa, aaksyunan ng 'Imbestigador'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador
Airing Date: May 26, 2013
PANGAKONG VISA, NGANGA!
Pangakong trabaho sa ibang bansa, paasa lang pala!
Ito ang reklamo ng mga nanggagalaiting biktima, karamihan ay mga estudyanteng katatapos pa lamang mag-aral ng kolehiyo. Ang siste, bawat aplikante ay hiningan umano ng humigit kumulang animnapung libong piso bilang processing fee. Ang kapalit, student visa at pagkakataon para sila’y makapagtrabaho sa bansang Canada. Pero hanggang ngayon, karamihan sa mga aplikante, hindi pa rin nabibigyan ng visa at wala pa ring napapaalis kahit isa papuntang Canada. Ang masaklap, ang inirereklamong opisina, hindi recruitment agency ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
Sisingilin na ang mga suspek at wawakasan ang kanilang pagpapaasa!
BUGAWAN SA CALAMBA
Mistulang pulo’t pukyutan daw ang ilang kanto sa Calamba, Laguna. Pero hindi ang tamis ng mga bubuyog ang dinudumog, kundi mga bugaw na nag-aalok ng mga kababaihan kabilang ang mga menor de edad. Huli sa akto ang pagronda ng pulisya sa ilang lugar na pinamumugaran ng bentahan ng laman, pero ang nakapagtataka, tila deadma lang sila.
Pananagutin na ang mga kumakalakal sa ilang kababaihan at ililigtas ang mga dalagitang biktima!
Huwag palampasin ang "Imbestigador" ngayong Linggo sa GMA-7, 9:15 PM pagkatapos ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

More Videos
Most Popular