ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangkay ng lalaki at babae na nakita sa magkahiwalay na lugar sa Cebu, palaisipan sa pulisya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang bangkay ng babae na may tama ng bala ng baril sa dibdib ang natagpuan sa isang bangin sa Balamban, Cebu, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes. Ayon sa pulisya, batay sa ibinigay na impormasyon ng saksi, isang lalaki na nakasakay sa isang pick-up truck ang nakitang nag-iwan sa bangkay ng babae. Sa pamamagitan ng natagpuang identification card sa biktima, napag-alaman na ang babae ay empleyado sa city hall. Ilang oras naman matapos makita ang bangkay ng babae, isang bangkay naman ng lalaki ang nakita sa loob ng nakaparadang pick-up truck sa Cebu City na may tama rin ng bala ng baril sa dibdib. Batay naman sa ID na nakuha sa sasakyan, napag-alaman na kapitan ng barangay ang biktimang lalaki. Lumilitaw din sa paunang impormasyon na nakuha ng mga pulis na karelasyon umano ng kapitan ang babae na nakitang patay sa bangin. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may kinalaman ang kapitan sa pagpatay sa babae, at kung pinatay din ba ang kapitan o sadya itong nagpakamatay. - FRJ, GMA News

Tags: cebucrime,