ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dalagita, hinalay umano ng 2 tiyuhing opisyal ng barangay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dalawang barangay kagawad sa Paniqui, Tarlac matapos silang ireklamo ng panghahalay sa sarili nilang pamangkin. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabi ng ina ng 13-anyos na biktima na inamin nito sa pinsan ang sinapit sa mga tiyuhin. Una raw naganap ang panghahalay sa dalagita sa isang hotel noong Disyembre. Naulit ang pang-aabuso nitong nakaraang Pebrero at Abril. Hindi raw nagawang magsumbong ng biktima bunga ng takot dahil kagawad sa barangay ang kanyang mga tiyuhin. Kinasuhan na ng ina ang mga suspek na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular