ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Anim na sundalo patay sa bakbakan vs Abu Sayyaf — militar


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi bababa sa anim na sundalo ang nasawi habang siyam naman ang nasugatan sa engkwentro laban sa mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Sulu, ayon sa ulat ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas nitong Sabado.

Sinabi rin ng militar na apat ang namatay sa panig ng Abu Sayyaf sa sagupaang nangyari sa bayan ng Patikul, ayon sa ulat ni Manny Vargas ng dzBB.

Samanatala, nauna nang sinabi ni GMA News reporter Jun Veneracion sa Twitter nito na nasa pito na ang nasasawi sa bakbakan.

Ayon naman kay Western Mindanao Command spokesman Col. Rodrigo Gregorio, nangyari ang bakbakan dakong 6:45 ng umaga sa Barangay Tugas.

Dagdag pa nito, ang nasawing mga sundalo ay kabilang sa 2nd Marine Brigade.

Sa paunang imbestigasyon, sinasabing nasa isang operasyon ang mga sundalo para tugisin ang mga bandido nang mangyari ang bakbakan.

Dinagdagan na umano ng militar ang puwersa nito sa nasabing barangay at tinutugis na ang mga bandido. — JGV /LBG, GMA News