ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, 2 pang sexy Kapuso stars, rumampa sa summer event ng isang men's magazine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinangunahan ni Marian Rivera ang pagrampa ng mga sexy Kapuso stars sa ginanap na summer event ng isang men's magazine sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi. Kasama ni Marian sa event si Ryzza Cenon na cover girl ng FHM May issue at si Michelle Madrigal ng GMA primetime series na Love and Lies. Masaya pang nakipagbatuhan ng pick-up lines si Marian sa ilang lalaking dumalo sa event. Ang naturang event ay paghahanda sa inaabangang FHM 100 Sexiest Party na gagawin sa darating Hulyo. Kabilang sina Marian at Sam Pinto sa mga mangunguna sa unofficial tally sa isinasagawang botohan para sa FHM 100 Sexiest Women in the World 2013. - FRJimenez, GMA News

Tags: marianrivera, fhm