ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Commemorative stamps ni Jesse Robredo, ilalabas na sa Lunes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilalabas na ang commemorative stamps ng yumaong Interior Secretary na si Jesse Robredo sa Lunes, eksaktong araw ng kanyang kaarawan.
Bilang pag-alala umano sa isang mapagkumbabang lider ang paglabas ng commemorative stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).
Naging inspirasyon umano ng mga Pilipino si Robredo dahil sa ipinamalas nitong tapat na paglilingkod sa gobyerno.
Makikita sa nasabing stamp ang signature photo ng dating kalihim.
May larawan din umano ito ni Pangulong Manuel Quezon at ang Quezon Service Cross na una nang iginawad sa kaya.
Matatandaang namatay si Robredo nang bumagsak sa karagatan ng Masbate ang eroplanong kanyang sinasakyan galing sa Cebu noong Agusto 18 ng nakaraang taon. — RC /LBG, GMA News
More Videos
Most Popular