ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Plano ni Congresswoman-elect Leni Robredo sa Camsur, tatalakayin sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada
Airing Date: May 27, 2013

KONGRESISTANG DE TSINELAS



Ngayong ika-27 ng Mayo ang ika-55 kaarawan sana ng namayapang DILG Sec. Jesse Robredo. Dalawang araw bago ang okasyong ito, nakapanayam ni Dano Tingcungco si Atty. Leni Robredo habang binibisita ang puntod ng asawa. At dito, pinag-usapan nila ang patuloy na pagluluksa ng biyuda at ang bagong hamon sa kanyang buhay na kanyang haharapin--ang pagiging Kongresista ng ikatlong distrito Camarines Sur.

MGA PINOY SA TAIWAN, MGA TAIWANESE SA PILIPINAS



Bahagya mang humupa ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas bunsod ng pagkakabaril ng isang mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel, hindi pa rin maikakailang nagkalamat na ang relasyon ng dalawang bansa. Sa gitna ng tensyon, kinumusta ni JP Soriano ang kalagayan ng mga OFW sa Taiwan at maging ng mga Taiwanese na narito sa bansa.

BIYAHENG MALABON



Sa anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod ng Malabon ngayong Mayo, patutunayan ni Mav Gonzales na hindi lang sa baha dapat makikilala ang naturang lungsod. Tuklasin natin ang mayamang kultura ng Malabon na may mayamang kasaysayan at binabaha rin ng biyaya.

Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!