ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Reporter's Notebook: Inagaw na Paraiso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
INAGAW NA PARAISO
Wildlife and Islands for Sale Special Report
Ulat nina Jiggy Manicad at Maki Pulido

REPORTER's NOTEBOOK
Airing date: May 28, 2013

 
Nitong nakaraang Biyernes, isang bangkang may lulan ng animanapu’t limang pawikan ang nasabat ng Philippine Navy sa Balabac, Palawan. Ipupuslit daw sana ang mga pawikan palabas ng bansa. Sa kasamaang palad, labinlima sa mga pawikan ang namatay bago pa pakawalan sa karagatan. Itinuturing na endangered species ang pawikan. Pero bukod sa pawikan, isa pa sa hinuhuli at kinakalakal sa Palawan ang mga pangolin na isa ring endangered species. Ginagamit ang kaliskis o scales ng pangolin bilang gamot sa bansang China. Ibinebenta ang kaliskis sa halagang labing isang libong piso kada kilo.



Tahanan ang Palawan ng maraming uri ng hayop at ibon na tanging dito lang matatagpuan. Nakabibighani rin ang ganda ng bawat islang makikita rito. Dahil na rin sa yamang taglay ng Palawan, tinagurian ito bilang “The Last Frontier.” Pero sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang panghuhuli ng mga nanganganib na hayop at ang diumano’y bentahan ng mga isla.

 
Maliban sa ilang hayop, maging ang ilang isla sa Palawan, lantaran umanong ibinebenta kahit idineklarang protektado ang mga ito. Taong 2011 nang unang puntahan ni Maki Pulido ang ilang islands for sale sa Palawan. Pero natuklasan ng Reporter’s Notebook na may ilang isla pa ang ibinebenta sa ibang bahagi ng Palawan. Dinayo ni Jiggy Manicad ang isang bayan sa Palawan kung saan dalawang isla raw ang iniaalok na for sale sa halagang dalawampu’t limang milyon at animnaraang milyong piso.

Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-28 ng Mayo pagkatapos ng Saksi.