ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Alisto:' Mga kaso at away sa barangay, caught-on-cam


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO!
Airing Date: May 30, 2013

Walang pinipiling biktima ang peligro dahil maging ang Kapuso young actor na si Aljur Abrenica, muntik nang mapahamak matapos bumangga ang kaniyang sasakyan noong May 16! Ayon sa aktor, iniwasan ng kanyang driver ang isang motorsiklo kaya sila bumangga sa poste malapit sa kanyang bahay sa Quezon City. Alamin ang kuwento ni Aljur at kung ano ang natutunan niya mula sa aksidente.

Ilang CCTV videos ng gulo at panloloob din ang nakuha Alisto! Nauwi sa rambol ang pangyayari sa isang computer shop matapos magharap ang dalawang grupo ng mga kabataang may alitan.  Bukod sa mga pananakit, ilang gamit ang nasira at maging ang kisame ng computer shop ay bumagsak!

Isang computer shop naman ang pinasok at hinoldap na dalawang lalaking may dalang baril.  Tunghayan din kung paano nasalisihan at nalooban ang isang carinderia at hardware at alamin kung paano makaiiwas maging biktima ng ganitong mga modus!

Alamin ang sampung pinaka-madalas na mga kaso at away na idinudulog sa barangay sa Top 10 huli sa camera! Paano ito hinaharap ng mga tanod at kapitan ng barangay at paano maiiwasang magdulot ito ng malalang peligro para sa mga residente?

Huwag palampasin ngayong Huwebes ang ALISTO pagkatapos ng Saksi.