ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kayanin kaya ni Maxene Magalona na manakit ng bata bilang kontrabida sa 'Mga Basang Sisiw'?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magbabalik sa GMA Afternoon Dramarama ang Kapuso star na si Maxene Magalona bilang kontrabida sa remake ng "Mga Basang Sisiw."   Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Miyerkules, ang mga makakatikim ng pang-aapi ni Maxene sa bagong serye ay sina  Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia, at Miko Zarsadias.   "I'm currently doing workshops kasi with Sir Penn Medina and he told me na every character always has a main objective. If yung objective niya, if in order for her to get that objective, kailangan niyang manakit ng bata then so be it," ani Maxene.   Makakasama rito ng Kapuso actress sina Gardo Versoza, re-elected Congresswoman ng Cavite na si Lani Mercado, at Raymond Bagatsing.   Sa unang araw pa lang daw ng taping ay napasabak na kaagad si Maxene sa mga mabibigat na eksena kasama si Lani.   "Nagkaroon na kami ng confrontation scene, nagsabunutan na rin kami," kwento nito.   Samantala, ang mga tinatamasa daw niyang tagumpay sa kanyang career ay alay niya sa kanyang yumaong ama na si Francis Magalona.   Hindi nga naiwasan ni Maxene na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang ama.   "If a guy comes along and he loves me the same way that my dad did, then maybe pwede, alam mo 'yon. That's how my dad is watching over me," pahayag niya. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News