ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang bayan sa Iloilo, hinagupit ng malakas na ulan, hangin at alon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sampu katao ang iniulat na nasaktan at ilang bahay at mga bangka ang napinsala sa paghagupit ng malakas na ulan, hangin at alon sa may limang bayan sa Iloilo. Sa ulat ni Mavic Tse Wing ng GMA-Iloilo sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing naganap ang pananalasa ng malakas na ulan, hangin at alon nitong Martes.   Sa bayan ng Estancia, may 50 bangka na nakadaong ang nawasak dahil sa malakas na hampas ng alon. Tinatayang nasa P4 milyon ang pinsala sa lugar.   May 10 residente rin ang naiulat na nasaktan.   Nakaranas din ng malakas na ulan, hangin at alon ang bayan ng Barotac Nuevo kung saan may 100 bahay ang binaha at kinailangan ilikas ang ilang residente.   Hindi rin nakaligtas ang ilang bahay sa barangay Bitao-on sa Jaro district, at maging sa mismong lungsod ng Iloilo. - FRJ, GMA News