ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado, cover girl ng June issue ng FHM


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tinampok muli ang Kapuso actress at sexy mom na si Jennylyn Mercado bilang cover girl ng sikat na men's magazine sa bansa na For Him Magazine o FHM para sa kanilang June 2013 issue.
 
Ayon sa ulat ng Unang Balita sa GMA News, kinuwento ni Jennylyn na confident siya sa ginanap na shoot at naging kumportable raw siya sa concept nito.
 
Ito na ang ikatlong cover ng Kapuso actress para sa naturang magazine.
 
Nauna siyang lumabas noong Enero 2008 at sumunod noong Nobyembre 2009. 
 
 
Bukod pa rito, itinampok din si Jennylyn sa fashion show ng Bench Body sa Philippine Fashion Week na idinaos noong Linggo sa SMX Convetion Center, Pasay City. Nakasama niya sa natuarang palabas ang Filipino-Canadian international model na si Paolo Roldan.  
 
Kilala si Roldan sa kanyang nude editorial para sa mamahaling French brand na Givenchy na lumabas sa Vogue Paris noong 2010. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News